Lady guard patay sa banggaan ng motorsiklo sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Patay ang isang lady guard sa banggaan ng dalawang motorsiklo na naganap mag aalas 9 ng gabi noong Huwebes sa Barangay Gaboc, Mercedes, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Rissa Dasigan y Encinas, 29 anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Manguisoc parehong bayan na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ayon sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office pauwi na ang biktima galing sa SM City Daet kung saan ito nagtatrabaho nang aksidenteng makabanggaan ang kasalubong nitong motorsiklo na minamaneho naman ni alyas na “Miloy” 29, residente ng Sitio Mambani, Purok 5, Barangay Cayucyucan.

Isinugod pa sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga rumispondeng tauhan ng MDRRMO Mercedes si Dasigan pero idineklara itong dead on arrival ng doktor habang nagtamo rin ng pinsala sa katawan ang driver ng motorsiklong nakabanggan nito na naka- confine sa nabanggit na ospital.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nagtamo ng hindi pa mabatid na halaga ng pinsala ang dalawang motorsiklong sangkot sa aksidente na nasa kustodiya ngayon ng Barangay.