Miyembro ng fisherfolks, makapagsisimula na ng maliit na negosyo gamit ang natutunan sa ‘fish processing technology’

SORSOGON CITY – Ang mga kalahok sa isinagawang 2-days training on fish processing ay nakagawa na ng  10 packs ng longganisa, 18 boteng seaweed pickles, 12 packs ng fish patties at 130 piraso ng isda na polvoron o ‘fishvoron.’

Ang 20 miyembro ng Poblacion Fisherfolk Association ng Barcelona, Sorsogon ay sinanay ng BFAR-Bicol sa teknolohiya sa pagproseso ng isda.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ang dalawang araw na aktibidad noong nakaraang linggo ay bahagi ng target ng pagsasanay ng Regional Fisheries Training at Fisherfolk Coordination para hayaan ang mga kalahok na makagawa ng mga de-kalidad at value-added na produkto.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Laking pasalamat naman ng mga lumahok na pawang mga Nanay.

Sa mensahe ng isang kalahok, sinabi nito na malaking tulong ang nakuha nilang kaalaman lalo na at nagsimula na ang klase at kailangan nila ng extra income at kabuhayan.