PNP nananawagan sa mga posibleng kaanak ng bangkay ng babaeng natagpuan sa Subic

Nananawagan ang PNP-Maritime at Subic Municipal Police Station sa mga posibleng kaanak ng isang bangkay ng babaeng natagpuan kahapon.

Ito ay nakitang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Sitio Nagbayukan, Bgy. Cawag, Subic, Zambales.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Ang biktima ay nakasuot ng violet na pang-itaas, itim na pang-ibaba, may hikaw, relo, bracelet at tinataya umanong nasa 4ft. hanggang 5ft ang taas.

Inireport ito sa mga otoridad kahapon ng mga nakakita sa bangkay kaya agad na nagsagawa ng retrieval.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Maaaring makipag-ugnayan sa Subic MPS hotline na 0998-598-5503.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

📷PNP Maritime