Bagong basic ed curriculum, posible matapos ang K-12 review

Posibleng bumuo o lumikha ng panibagong basic education curriculum ang Department of Education (DepEd) kasunod sa ginawa nilang pag-review sa K to 12 Basic Education program.

Sa isinagawang budget hearing ng House Appropriations Committee ngayong araw kaugnay sa 2023 budget ng DepEd, sinabi ni Vice President Sara Duterte na sa ngayon daw ay tapos na nilang ireview ang K to 10 habang nanatili naman pending para sa Grade 11-12.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa katunayan aniya, kasalukuyan na nilang ipinipresenta sa kanilang management committee at executive committee ang findings mula sa ginawang review.

Target din daw nila itong ipresenta sa iba’t-iba sektor at stakeholder sa mga susunod na araw.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Sinabi ni VP Duterte na ganitong proseso rin daw ang kanilang gagawin sa pagpresenta para sa naging review sa Grade 11 at 12.

Kaugnay nito, agad namang inihayag ni Duterte na kung magkakaroon ng pagbabago sa curriculum, posibleng sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon pa ito maipatutupad.
#