DILG, pinaalalahanan ang mga LGUs na iwasan na ang pagbili ng mga ‘luxury vehicles’

Umapela si Interior Secretary Benhur Abalos sa mga local chief executives na maging maingat sa paggasta nila ng mga pondo.

Sa isang pahayag, sinabihan ni Abalos ang mga local government units na ipinagbabawal nito ang pagbili nila at paggamit ng luxury vehicles.

Read More:  Escudero open to Supreme Court review of 16-vote impeachment rule

Apela nito sa mga alkalde, maging matipid at wais sa pag-procure ng mga kagamitan ng mga LGUs.

Giit ng Kalihim, hindi pa rin nakababangon ang bansa sa mga epekto sa ekonomiya ng COVID-19.

Paliwanag ni Abalos, dapat umanong siguruhin ng mga LGUs na ang mga bibilhin nitong mga service vehicles ay ‘yung mga cost-effective, fuel-efficient, at environment-friendly..

Read More:  VP Sara Duterte says impeachment complaint lacks evidence

Matatandaang una nang tiniyak ni Abalos na hindi na mauulit ang pagbilii noon ng mga Mahindra vehicles dahil sa ilang isyu rito kagaya na lamang ng maagang pagkasira ng mga PNP services, at mahirap na after-sales support.
#