King Charles III, iprinoklama bilang head of state ng Australia

Porma nang itinalaga ng Australia si King Charles III — ang unang bagong monarch sa nakalipas na 70 taon, bilang head of state ng kanilang bansa.

Ang proklamasyon ay ginawa ni Australia’s Governor-General David Hurley sa parliament sa Canberra, habang may sunod-sunod ding proclamation ceremonies na ginanap sa buong state parliaments sa naturang bansa.

Isasagawa naman sa September 22 ang national day of remembrance, sa oras na dumating si Prime Minister Anthony Albanese mula sa Britain, kung saan dadalo ito sa libing ni Queen Elizabeth II, kasabay ng memorial service.

Bilang head of state, si Queen Elizabeth II ay dumalaw sa Australia ng 16 na beses.

Samantala, ang kalapit naman nito na commonwealth country New Zealand ay opisyal ding iprinoklama si King Charles III bilang kanilang head of state sa pamamagitan ng televised ceremony.