VP Sara Duterte, magsisilbing caretaker ng bansa habang nasa state visits si Marcos

Itinalaga si Vice President Sara Duterte bilang officer-in-charge ng bansa, habang nasa state visits si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore ngayong linggo.

Ang kopya ng Special Order No. 75, na nagtatalaga kay Duterte bilang OIC ay inilabas ng Office of the Press Secretary sa media kahapon.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Si Marcos ay lumipad papuntang Indonesia kahapon, para bigyan ng posisyon ang Pilipinas kung saan mayroong malakas na kaalyansa at partnerships na kinakailangan para makabuo ng post-pandemic economy.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Matapos sa Indonesia, dideretso naman ang pangulo sa Singapore kung saan inaasahang kukuha ito ng mga investment deals na nakalinya sa prayuridad ng kanyang administrasyon.