12,000 puno ng marijuana, nabunot sa Tampakan

KORONADAL CITY — SINALAKAY ng mga otoridad ang umano’y plantasyon ng marijuana kahapon ng umaga sa boundary ng Barangay Danlag at Barangay Tablu sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Sa nasabing operasyon, humigi’t kumulang sa 12,000 puno ng marijuana ang nabunot ng mga otoridad na nagkakahalaga umano ng P3.6 million.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa ngayon, hindi pa matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing plantasyon dahil walang naabutan na cultivator ang mga otoridad sa lugar.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Agad namang sinunog ng mga otoridad ang mga karamihan sa mga nabunot na marijuana at nagdala na lamang ng sample bilang ebidensiya at para sa isasagawang eksaminasyon.