Singil sa kuryente ng SOCOTECO 1, tumaas ng P 1.50 per kWh

KORONADAL CITY- TUMAAS ng P 1.50 per kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ng South Cotabato Electic Cooperative o SOCOTECO 1 sa buwan ng Agosto para sa konsumo noong Hulyo.

Ayon kay SOCOTECO 1 Finance Manager Francis Ian Fedoc na ang power rate hike ng kooperatiba ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng coal at mga produktong petrolyo sa global market.
Napag-alaman 55% ng power source ng SOCOTECO 1 ay coal.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Dahil dito, inihayag ni Fedoc na ang mga may konsumo ng 200 kWh ay makakaasa ng dagdag na P 300 sa kanilang electric bill.

Ito ang sagot ng SOCOTECO 1 sa reklamo ng mga member-consumers kung bakit tumaas ang kanilang bayarin sa kuryente.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ngunit ayon sa opisyal na kailangan ding suriin ng mga konsumedores ang kanilang power consumption dahil posibleng ito ay tumaas din lalo na sa mga gumagamit ng aircon, heater at iba pang home appliances na malakas kumonsumo ng kuryente.