Paghahanap sa batang tinangay ng buwaya, itinigil na- MDRRMO

Itinigil na ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management at PCSDS katuwang ang iba pa ang paghahanap sa isang 10 anyos na batang tinangay ng buwaya sa ilog ng Canipaan, Rizal Palawan.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Ito ay matapos ang tatlong araw na paghahalughog sa ilog simula ng mawala ang bata noong Linggo, August 28, 2022.

Sinikap ng team na mahanap ang katawan ng biktimang si Antonio Cardejon III sa ilog at mga sanga-sanga nito subalit nabigo silang makakita ng bakas sa kinaroroonan nito.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Samantala, inabisuhan ng MDRRMO ang mga nakatira na maaari pa rin nilang ipagpatuloy ang paghahanap pero pinapaalalahanan sila na mag-iingat.