๐Ÿฒ๐Ÿฎ๐Ÿต๐—ž na magsasaka sa rehiyon, target na maipaseguro ng ๐—ฃ๐—–๐—œ๐—–

Target ng Philippine Crop Insurance Corp. na maipaseguro ang nasa 629, 000 na magsasaka sa Lambak-Cagayan ngayong taon.

Ipinaliwanag ni PCIC Insurance Processor II Rosetom Molina na maaabot nila ngayong taon ang kanilang target dahil matapos ang unang anihan ng dry cropping season ay nakalahati na ang naipasegurong magsasaka.

Kaugnay nito, mula sa nasabing bilang ay mahigit sa 300, 000 na mga magsasaka na ang naipasok sa programang pagpapaseguro ng pamahalaan.

Tumaas naman ang posibilidad na malampasan ang naturang target na bilang dahil mas maraming nagpapaseguro sa mga panahong posibleng makaranas ng bagyo at anumang kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *