Tiniyak ng Department of Trade and Industry Isabela na walang pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa Lalawigan sa kabila ng epekto ng Bagyong Egay.
Ito ay base sa isinagawang monitoring ng Junior Business Councilors sa bawat bayan sa lalawigan.
Bukod dito, inilahad pa ng ahensya na sapat at murang ang mga bilihin lalo na sa mga basic necessities and prime commodities (BNPCs) sa probinsya.
Sa comprehensive monitoring naman na ginanap sa 13 na lungsod at mga munisipalidad ay wala umanong pagbabgo ang presyo ng bilihin bagaman nanalasa na ang bagyong Egay.
Kaugnay nito, patuloy pa rin na hinihinkayat ng ahensiya ang iba’t ibang estyablishimento na sundin ang suggested retail prices at huwag isantabi ang kapakanan ng iba dahil lang sa pansariling kita.