𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗗𝗜𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗧𝗢, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗣𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡

Nakapagtala ang Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ng kaso ng “alleged” vote buying sa tatlong bayan sa Lalawigan ng Cagayan kaugnay sa katatapos na BSKE 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kabilang sa tatlong bayan na ito ay ang munisipalidad ng Solana kung saan mayroong P50 ang nakadikit sa polyetos na binibigay ng mga tumatakbong kandidato sa lugar.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Mayroon din sa bayan ng Pamplona kung saan P1,000 ang naitalang halaga na ibinibigay ng mga kandidato, at sa Lungsod ng Tuguegarao na may P500.

Ang tatlong insidenteng ito ay inereport mismo ng mga taong nakatanggap ng pera sa kanilang lugar.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kaugnay nito, ayon kay Police Captain Shiela Foronda, ang Information Officer ng CPPO, nai-refer na ang insidente sa COMELEC kung saan nasampolan na ang asawa ng isang tumatakbong kapitan sa Pamplona at mahaharap sa kasong ihahain ng naturang ahensiya.