๐—›๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜, ๐—ก๐—”-๐—•๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—จ๐—›๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—š๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ

Aabot sa dalawang daan na pasyente ang nabenepisyuhan sa isinagawang 3-day medical-surgical mission sa Cauayan District Hospital.

Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Local Government Unit ng Cauayan City at Adventist Medical Center at Adventist Medical Center-Manila.

Ang halos 200 na pasyente ay nakatanggap ng tulong medikal tulad ng ilang surgical operations na kinabibilangan ng hernia, gallstone, hemorrhoids, goiter, bilateral tubal ligation, circumcision, lump removal at iba pa.

Nagpasalamat naman ang Local na pamahalaan sa mga tumulong sa nasabing aktibidad na kinabibilangan ng CHO Health Officer Dr. Bernadynn Benjie Reyes at Medical Adventist Group Head Dr. Archie La Madrid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *